LP # 21 - Mithi

August 23, 2008 | Filed Under Uncategorized | 1 Comment 

Our Kids; Tin-tin, Justin & Josh

Our Kids; Tin-tin, Justin & Josh



LP 20 - Liwaliw

August 14, 2008 | Filed Under Baguio City, Litratong Pinoy, Photo Assignment, Road Trip | 11 Comments 

LP 19- Liwaliw

LP 19- Liwaliw

Baguio City.

Kung inaakala ninyo na ito ay isang rally nagkakamali po kayo. Litrato po ito ng aking mga anak (tatlo lang po ang sa akin dyan hehehe) at mga pamangkin ng aking asawa. Kuha ito sa Mines View Park sa Baguio nitong nakaraang Abril 2008.

Madalas na kaming nakarating sa lugar na ito pero ito ang isa sa pinaka-espesyal na pagliliwaliw sapagkat ito ang pagkakataon na kumpleto ang magkakapatid at mag-pipinsan, “Bonding to max” ika nga nila sa ingles.

Bukod dito ay ang Baguio ang huling destinasyon nang aming “road trip” na sinimulan sa Bataan at nagpatuloy sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.



LP# 19: AKO at ang aking Kuntil

August 7, 2008 | Filed Under Litratong Pinoy, Me, Photo Assignment, Strobist | 7 Comments 

Sabi ng nanay ko pogi daw ako hehe, pero bukod doon pinaglihi daw niya ako sa isang prutas na maraming mga kuntil kaya siguro mayroon ako nito sa aking kanang tenga. Totoo kaya yun?

Nang ako ay nag-aaral pa sa elementarya madalas akong tuksuhin ng aking mga kamag-aral dahil sa aking kuntil. Sabi nila na “O ayan na si KD may dala pang antenna ng TV”.

Noon namang nasa kolehiyo nabibiro ako na siguro malakas daw pandinig ko kasi meron akong radar antenna sa tenga.

Ano man ang sabihin nila balewala sa akin iyon sapagkat alam ko na ipinagkaloob sa akin ito nang Diyos at dapat ipagpasalamat.

Pero siguro astig din kung may talagang “powers” ang kuntil ko na ito, lagot ang mga masasamang loob sapagkat narito na si…….. Super Kuntil bwahahahaha.

ang kuntil

AKO at ang aking kuntil



Next Page →